TruyenFull.Me

31 Days To Live Completed

Another day, another day to live, ang saya diba :3 eto kami ngayon papunta sa isang resort, 3 days and 2 nights, hanga nako kay Marlon ang galing niya, nakumbinsi niya yung doctor ko na mapalabas ako ng hospital, para naman daw makalanghap ako ng sariwang hangin, ganun din ang ginawa niya kay Ryan, ipinagpaalam niya sa ina at maging sa doctor nito, at ayun nga dahil sa kanya andito kami ngayon sa sasakyan at papunta sa isang beach resort, ang saya saya ko, kahit papano nakapunta ulit ako malapit sa dagat bago pa ko mamatay.

"Hey Jingle bells~ Jingle Bells~!" yan ang kinakanta ni Marlon at talagang sinabayan pa siya ni Ryan 

ilang days nalang ba bago magpasko? Naalala kong december nga pala, dama ko na eh sayang di ko maabutan ang bagong taon

"hoi sumabay ka naman." pagyaya saken ni Marlon

"oo nga ate ang saya kaya kumanta, para tayong isang buong pamilya." masayang masayang sabi ni Ryan halata mo sa mata niyang masaya siya iba kasi ang kinang nito noon sa ngayon.

"ayoko nga." maikling sagot ko.

"hayaan mo na yan baby ganyan talaga si mommy." natatawang sabi ni Marlon

"luh mommy ka diyan :3" inis kong sabi. tama bang umakto siyang isa nga kaming pamilya? 

"ok Ryan daddy tawag mo saken ah, hanggang sa makauwi tayo sa hospital , regalo mo nalang saken :D" sabay ngiti ni Marlon ng nakakaloko.

"ahahahaha ay teka daddy, anong nangyari sa braso mo?" biglang tanong ni Ryan ng napatingin ako may sugat nga siya sa braso.

"ahh ahahhaha wala yan, gasgas lang, malayo sa bituka." sabi ni Marlon sabay baba niya ng sleeves niya para hindi na mapansin.

"hindi ba masakit?" syempre hindi naman ako manhid diba, nag-aalala din naman ako.

"uiiii concerrrnnnnnnn~" pang-aasar ni Ryan samen

"ahahhaha talaga tong si Mommy oh." nagulat ako sa sumunod na nangyari bigla niyang hinawakan ang kamay ko. agad ko naman yung inalis pero malakas kasi siya kaya hinayaan ko nalang . hindi naman siguro masamang maghawak kamay ang dalawang tao diba? ilang oras din ang byahe si Ryan nakatulog na. dalawa kami sa harap ni Marlon since ayaw niya daw magmukhang driver :3 then tumabi naman samin si Ryan kasi siya lang naman daw ang mag-isa sa likod. nakarating na kami sa resort at sa wakas tinanggal niya na ang pagkakahawak sa kamay ko, yung feeling na pasmado ko, pero hinawakan niya pa rin ang kamay ko, nga pala nakalimutan ko kayong iinform na lagi niya na ding suot ang bonnet niya, para daw pareho kami, para magmukha daw kaming magkasintahan.  bago kami bumaba,

"nga pala Ryan isuot mo to." sabay abot ni Marlon ng box kay Ryan. pagbukas niya nung box, bonnet ang laman, pareho ng design saken, pareho ng samen.

"yun oh ang pogi mo." pangbobola ni Marlon kay Ryan which is true kaya di ko masasabing pambobola.

"mana sayo daddy :D" pagsakay naman ni Ryan sa trip ni Marlon, aba matinde tong dalawang kasama ko, matinde ang tama sa utak. mas mapapabilis ata ako sa dalawang to. ng makarating na kami may sumalubong samen, katiwala ata ng resort magkakilala sila ni Marlon then yun naiwan kaming tatlo dito kami na daw ang bahala.

"So pano ba yan? edi ikaw na ang magluluto Mommy :D" sabay ngiti saken ng loko.

"tss tigilan mo ko sa mommy mommy na yan ah di kita anak." inis na sabi ko sa kanya sabay irap ng mata.

"hindi mo naman talaga ko anak, kasi asawa mo ko." sabi nito ng seryoso, ewan ko ang tahimik bigla ng atmosphere, wait ang awkward.

"ahahhaha joke lang." bawi niya tapos eh dumiretso siyang Kusina para maghanda ng makakain namin, magagabi na rin kasi at hindi rin kami nakapagmeryenda.

"hindi na ako na." sabi ko sa kanya,

'tutulungan nalang kita." tapos eh kinuha niya yung isa pang kutsilyo ang nagsimulang hiwain ang mga sangkap ng lulutuin namin.

"Mommmy Daadddddyyyyy~!!" rinig mo yan sa buong lugar, sigaw ni Ryan lakas makasakay sa trip ni Marlon eh noh kinakareer -_-

"oh ano yun baby?" alalang tanong ni Marlon ano ba konti nalang masusuka nako sa inaakto nitong dalawa.

"gusto ko lang po sanang maglakad lakad tayo mamaya dun sa mga sand Daddy :D" sabi nito.

"asus kayang kaya yan bebe :) magluluto muna si Mommy at Daddy ah" sabi nito sabay kindat saken.

"problema mo?" tanong ko

"gusto ko lang kasing maranasan ni Ryan yung feeling na buo ang isang pamilya, gusto ko sa 3 araw na na nandito tayo, alam niyang hindi pa siya nag-iisa. kaya sakyan mo nalang din ako" sabi niya, dahil dun natigilan ako saglit, yun pala yung dahilan niya, naalala ko yung sitwasyon ni Ryan ayokong maranasan niya yung mga naranasan ko, ganun kasi ang tao diba pag ok lang na sila nalang, na wag na yung iba, alam kasi nila yung feeling. parang yung sitwasyon namin ngayon.

"3 araw lang ah." yes tama kayo, pumapayag nakong magmukhang tanga/timawa lahat na ok lang para naman kay Ryan eh, baka kasi biglaang kunin siya. sana hindi. sana wala nalang siyang Leukemia, sana ako nalang, pwede ko bang akuin ang dalawang magkaparehong sakit? kung oo please lang ibigay niyo na saken yung kanya.

matapos kaming kumain eh naglakad lakad kami sa buhanginan tulad ng kagustuhan ni Ryan, ang saya pala magkaron ng pamilya. atleast bago ako alisin sa mundong ibabaw alam ko yung feeling.

"ang saya ko, salamat po ah ngayon naalala ko na ang pakiramdam ng may pamilya." nung lumabas sa bibig ni Ryan ang mga salitang yan shit, as in shit. Life is really cruel, ang sama sama ng buhay, bakit kelangan may malungkot para may sumaya? bakit kelangan laging may sakit sa lahat ng aspeto ng buhay? nakakainis isipin na wala akong magagawa, wala eh ganyan ang buhay, NAPAKAMAPAGLARO, mahilig makipaglaro sa mga taong hindi marunong maglaro.

"halika na baby, movie marathon nalang tayong tatlo ni Daddy mo :)" sabi ko sa kanya tapos eh bumalik na kami. buong gabi nanuod lang kami ng iba ibang movies, buti na nga lang kumpleto yung kwarto eh. nga pala sa iisang kwarto kami natulog lahat, pero syemre si Ryan at Marlon ang magkatabi, bale nasa gitna namin ni Marlon si Ryan.

kahit papano, naisip ko na hindi unfair ang buhay kasi unfair din siya sa iba.

_____________________________________________________________________________

VOTE/COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenFull.Me