Jonah Complex Gl Hss 3 Completed
Iniisip ko kung may ikakaadik pa ba ang pagbabasa ko sa Wattpad at ngayon ko mas napatunayan na...oo."Ella, bitawan mo 'yang cellphone mo at baka iyan ang gawin kong agahan mo." Kalmado pero nakakatakot na sabi ni Mama sa akin.Mabilis kong ibinaba ang cellphone at nakangusong inabot yung kutsara at tinidor ko. "Grabe ka naman po, Ma.""Paano kasi wala ka nang inatupag kung hindi cellphone mo! Sa susunod baka dumikit na 'yan sa kamay mo ng tuluyan nako.""Hindi naman kaya, Ma." Lalo kong pinahaba ang nguso."Aba't─""Mahal," Hinaplos ni Mimi si Mama sa balikat. Para namang kusang kumalma yung huli. "Pagbigyan mo na at bata pa 'yan."Nagsalubong ang kilay ni Mama at piningot ang Mimi ko. Pinigilan ko matawa kasi ang cute nila. "Ayan, ayan! Kunsintidor!""Masakit!""Pagsabihan mo 'yang anak mo kasi!"Tumingin sa akin si Mimi. Halata namang masakit yung pagkakapingot sa kanya pero nginitian pa rin niya ako. "Ella, kain ka muna, okay? Saka na 'yang cellphone."Tumango na lang ako at nagsimula nang kumain.Binibilisan ko kumain dahil una ay gutom ako, tapos gusto ko na magbasa ulit, at saka male-late ako kung magbabagal pa ako. Inaantok pa ako pero wala akong choice, kasalanan ko rin naman.Dahil sa curiosity ko ay pinanindigan ko na ang pag-start sa pagbabasa no'ng gxg story na ni-suggest ni Valeen...at hindi ko inakalang mas mag-aadik ako ro'n, pero─pero! Siyempre walang tatalo kay Nishi_Ishin.Hindi ko alam pero bigla akong kinilig kahit na alam kong hindi naman siya lalaki. Siguro nga hindi na siya yung ideal guy ko pero at least, may bago na akong friend...Na hinalikan lang naman ako.Wait.Halos mabulunan ako sa kinakain nang mag-flashback na naman yung nangyari no'n kahit na ilang araw na ang lumipas. Jusko, nakakaloka! Sabi ko hindi ko na iisipin iyon, eh!"Anak, sabi ko kumain ka hindi lumamon." Parang gusto na akong tusukin ni Mama ng tinidor na hawak niya. "Maghinay-hinay ka nga nang hindi ka nasasamid!"Hindi na lang ako kumibo at uminom ng tubig. Maayos naman ako kumain, eh. May naalala lang talaga. Pasimple akong napaismid.Ella Marie, ayusin mo buhay mo! Babae 'yon at straight 'yon!Hindi naman niya sadya 'yon, eh. Wala lang 'yon, at saka hindi counted as first kiss ang halik sa babae. Gusto kong i-convince ang sarili ko na ganoon iyon pero...hay. Hindi ko maiwasan maalala yung naging usapan namin ni East..."Ohayou, ohayou!"Halos mabulunan ako nang makarinig ng malakas na boses kahit ang aga-aga pa. Naputol yung pagtitig sa akin ni West at nilingon yung kambal niya na kakarating lang siguro, may dala pa itong bag."Good morning," si Ate Jade ang bumati. Ito namang kaharap ko ay tumango lang. Naglakad yung kambal niya papunta dito at yumakap sa likuran ni West, para bang automatic na rito na subuan si East ng kinakain niya. "Aga mo umuwi?""Ang aga kasi nagising ni Lucy, Jadey," Ngumuso siya. "Pinauwi niya agad ako, hindi man lang kamo ako pinakain!"Ate Jade laughed at her. Parang bata talaga siya, kahit pala talaga dito sa bahay nila ay ganoon siya kumilos. Hindi nagtagal ay naupo na siya sa tabi ni West, nakikikain. Pero hindi siya pinapainom ng kape dahil bawal daw sa kanya."Wait..." Kumunot ang noo ni East at tinitigan ako. Parang ngayon niya lang ako napansin based sa reaction niya. "Ella, why you here?"Napangiwi ako. "Ah, ano kasi, bale dito na ako pinatulog ni Ate North. N-nalasing kasi si..." Tiningnan ko yung kambal niya at mukhang na-gets agad ako nito."I see..." Tumangu-tango siya. After ilang seconds ay pinandilatan niya ako ng mata. "Ella!""B-bakit?"Mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin. Hindi na ako nakapag-react nang bigla na lang niya ako hilahin patayo at basta dinala sa living room nila. Pinaupo niya ako sa sofa at nilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. Napalunok ako dahil ang lapit niya.Lord, bakit naman kasi kamukhang-kamukha ni East si West? Ninenerbiyos ako!"East-""Wala namang ginawa si Westy sa'yo?""Huh?""Wala? Like kahit ano?" tanong niya pa ulit. Lalong hindi ko na-gets dahil ang bilis niya magsalita, nawiwindang ako. "Wala siyang ginawang kahit ano sa'yo kagabi? As in anything?""Ano?" Hindi ko alam kung shunga ako or what pero nagugulumihanan ako sa kinikilos ni East.Nilapit niya lalo ang mukha sa akin kaya halos ilubog ko na ang sarili sa kinalalagyan. Juice colored, East! Hindi nakakatulong na ang serious ng expression mo, mas nagiging hawig mo ang kambal mo!"Okay..." Huminga siya ng malalim at naupo sa tabi ko. "Nalasing ba siya kagabi?""O-oo.""So, natulog ka sa kwarto namin?""Uh...oo?""Did she do anything to you? Like, anything?"Naramdaman ko na lang biglang pag-akyat ng init sa pisngi at tainga ko. Sure na sure akong namumula ako dahil ang init sa feeling kahit malamig pa naman. Napailing si East sa akin, halatang nakuha na niya ang sagot."Ako na mags-sorry para sa kambal ko, ah?" Medyo nabigla naman ako dahil biglang naging mahinhin ang boses niya. "Clingy kasi talaga siya kapag nakakainom.""Ibig sabihin...""Hindi ka nag-iisa," Natawa siya. "Na-kiss na nga rin ako no'n sa lips, pati si Ate South, even si Ate Northy, kahit yung best friend nahalikan na rin niya dahil sa amats niya."Hindi ako sumagot. Hindi ko alam pero nagbago bigla yung naf-feel ko pagkasabi niya no'n. So, kahit yung best friend niya... Huminga ako ng malalim. Ella, ayusin mo buhay mo! Dapat ma-relieved ako na walang malisya yung nangyari! Wala lang 'yon kay West, hindi ka niya na-kiss dahil sa kung ano mang reason.Pero parang gustong mang-away ng puso ko sa isipin na nahalikan niya na rin si Jamaica. Pero ang mali naman no'n. Mag-best friend naman sila at may boyfriend yung isa so wala lang din 'yon. Ayoko na, sumasakit braincells ko!"Si Westy yung tipo na naaalala niya lahat ng ginawa niya kahit lasing kaya she's for sure embarrassed about what she did with you." Ngumiti siya, yung smile na parang sa bata. "Kunwari na lang walang nangyari para hindi awkward sa inyo parehas. Kapag nag-sorry siya sa'yo, tanggapin mo na lang kasi hindi naman niya talaga sinasadya rin, eh."Wala akong nagawa kung hindi tumango, kahit ang hirap no'n. Alam ko parehas kaming babae so hindi big deal. Bakit nga ba big deal sa akin? Bakit ako kinilig? Girl crush ko lang naman siya, ah. Pero shems, paano ko kakalimutan 'yon? Paano ako magpapanggap na wala lang sa akin 'yon kung isang tingin niya pa lang parang gusto ko nang lamunin ng lupa?Good luck na lang talaga sa akin.--"Ilabas ang gitara!"Natawa na lang ako dahil nauna pa yung mga kaklase ko na kunin yung gitara ng isang kaklase namin, akala mo talaga sila ang may-ari. Maaga kaming na-dismiss ng teacher namin kaya may ilang minuto pa kami bago ang lunch break. Mga tamad sila magsilabasan dahil napakainit ngayon kaya yung iba, sa fan na halos nakatutok. Ang kapal ng face itutok sa kanila akala mo sila lang naiinitan.Dalawang gitara yung available, mukhang napag-usapan na yata na magj-jamming sila dahil kahapon pa kami chill sa halos lahat ng klase, palibhasa ay kakatapos lang ng exams.Nagtumpok sila sa gitna ng classroom, pinaikot yung mga upuan, napausod pa kami dahil nasa bandang gitna kami. Ayoko naman patalo kaya nasa tabi lang din nila ako tapos katabi ko si Val, nasa kabilang gilid naman niya si Jo na pansin ko kanina pa nakadikit sa amin although ilang oras na itong tahimik.Nilingon ko kung nasaan si West at napansing nasa sulok lang siya malapit sa bintana at prenteng nakaupo habang titig na titig sa phone. Napalunok ako at napaiwas ng tingin, sakto naman nakita ko rin na nagsosolo sina East at Lucy sa isang tabi, parang mga wala ring pakialam sa nangyayaring ingay.Wala naman din akong magawa tsaka enjoy ako sa mga ganitong jamming kaya makikinig na lang din ako. Nakakatawa nga kasi hindi nagm-match yung timing ng dalawang gitarista namin kaya nakailang try pa sila."Teka, sinong singer natin?""Tayong lahat siyempre?""Gagi, magagalit teacher sa kabila!""Sige nga, sinong kakanta?"Palakas ng palakas ng boses nila habang nagd-discuss kung sinong kakanta at anong kakantahin pero yung dalawang gitarista panay tugtog lang ng intro ng Magbalik by Callalily-ang pambansang kanta sa classrooms."Wala na'ng dating pagtingin! Sawa na ba sa 'king lambing? Wala ka namang dahilan! Bakit bigla na lang nang-iwan!""Hoy, gigil ka kumanta?" sabi no'ng isang kaklase namin."Hindi pa tapos intro!" Reklamo no'ng isang gitarista. Natatawa tuloy ako dahil hindi sila matchy-matchy."Tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot, pag-ibig, 'di mapapagod." Nagsikanta ng sabay yung mga kaklase namin."Anak ng-hindi pa nga tapos intro, chorus na agad!""Parang mga sira," Bulong sa akin ni Val habang natatawa, pero nakikikanta rin naman siya. Tumango na lang ako habang nakikinig.Maya-maya ay nagbago na naman yung tinutugtog nila pero hindi ko rin alam kung anong kanta 'yon."Sino na nga kasing singer?""Labas na marunong kumanta, aba don't be shy!""W-wait!"Nagulat na lang ako sa malakas na sigaw na 'yon, saka ko na-realize na tatlo sa mga kaklase naming babae ang nakakapit kay West, hinihila siya palapit sa gitna. Yung itsura niya parang gustong tumakbo palayo pero hindi siya makatakas. Pansin ko rin na pawis na pawis siya."Hala, oo nga!" Halos magulo ang mundo ko nang basta na lang akong alug-alogin ni Valeen, may kasama pang hampas sa braso kaya tiningnan ko siya ng masama. Si Julliana naman ay natatawa na lang sa amin at siya nang humila palayo kay Valeen. "Girl, marunong nga pala siyang kumanta!""Si West?""Oo!" Kulang na lang mangisay siya sa kilig, jusko parang epileptic na ewan. "Naalala mo sinabi ko sa'yo no'ng intrams dati na kumanta siya? Kaso absent ka kaya hindi mo narinig yung beautiful voice niya. Girl, maiinlab ka!"Saka ko naalala na nabanggit niya nga 'yon. Sa sobrang ganda raw ng boses, nalimutan niya raw i-record iyon dahil tunganga lang siya from start to finish. Hindi na rin naman na ako nabigyan ng chance na makita yung video galing sa mga kaklase ko. Basta sabi lang, magaling nga raw si West.Tuluyan na nilang napaupo sa gitna sa West. Nasa gitna siya habang sa gilid niya yung dalawang naggi-gitara. Tatayo pa sana siya ulit paalis pero nahila na naman siya paupo."Isa lang, Hansen!""Hindi ako-""Don't us, nakanta ka kaya.""Pero-""Isa lang!" Halos pagtulungan siya ng mga kaklase namin, malapit ko na isiping bullying 'to. Pero...gusto ko rin kasi siya marinig na kumanta. Curious ako."So anong kanta na?" Sabi no'ng isang kaklase naming may hawak ng gitara."Hansen, anong kakantahin mo?"Hindi kaagad siya nakasagot. Tapos natigilan ako ng mapalingon siya sa pwesto ko. Siguro ilang segundo rin siyang nakatingin sa akin bago siya lumapit ng bahagya sa katabi niyang may gitara at parang may sinabi. Tumango naman siya at bumulong din sa isa pang gitarista."Okay, ready!"Tumingin ulit sa akin si West. She tilted her head, nabigla ako nang ngumiti siya ng maliit bago mag-iwas ng tingin. Napahinga ako ng malalim, pasimpleng napahawak sa bandang dibdib dahil biglang kumabog ng sobrang bilis ang puso ko. Kalma, Ella, kalma ka lang. Ngumiti lang yung tao sa'yo.Nag-intro ulit sila and this time, parang himala na sync na yung dalawang gitarista sa pa-play. Hindi ko alam kung ano yung kanta pero ang ganda pakinggan ng intro, parang nakaka-LSS.Marahang nagtaas-baba ang ulo ni West na parang sinasabayan yung beat ng gitara. Some of my classmates are also tapping their desk pero enough lang para hindi masapawan yung gitara."I'm the boy in your other phone, lightin' up inside your drawer at home, all alone." Medyo shaky yung boses niya at first pero para bang unti-unti siyang na-relax kaya umayos din yung pagkanta niya. "Pushin' forty in the friendzone. We talk and then you walk away, every day."Natahimik yung mga kaklase namin maging ako. Para akong tanga na nakatingin lang sa kanya. Kahit si Valeen nakatitig na lang sa kanya nang mapansin ko. Ang ganda ng boses niya...malamig, parang sa kanya yata ako mal-LSS."Oh, you don't think twice 'bout me and maybe you're right to doubt me, but-but if you give me just one night, you're gonna see me in a new light. Yeah, if you give me just one night to meet you underneath the moonlight."Shit, anong title ng kanta? Parang may spell! Ang ganda ng boses niya, my gosh. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni West pero para siyang nags-slowmo sa paningin ko."Oh, I want a take two, I wanna breakthrough, I wanna know the real thing about you," Pumikit siya habang kumakanta. Parang nag-skip yata ng isang beat ang puso ko nang sa pagmulat niya ay saktong sa akin siya napatitig. "So I can see you in a new light."Parang natuyuan yata ako ng lalamunan. Wala sa loob na kinuha ko ang tumbler sa bag at uminom ng tubig, muntik pa 'yon tumulo kaya napapunas ako sa bibig ko at halos masamid. Nakita kong natawa siya pero saglit lang, halatang napansin niya yung ginawa kong kahihiyan.Parang gusto kong lamunin muna ng lupa saglit."Oh, I want a take two, I wanna breakthrough, I wanna know the real thing about you. So I can see you in a new light."_____Song used:New Light by John Mayer
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenFull.Me