Jonah Complex Gl Hss 3 Completed
"Alam mo ba kung anong balita ngayon, Ella?" Inalug-alog ako ni Valeen na akala mo walang mawiwindang na taba sa katawan ko."Ano?""Wala akong assignment!""Luma na 'yang balita mo." Umismid ako habang umiiling. Tinapik ko ang kamay niya at siya naman itong inalug-alog ko."Yung buto ko naman!" Reklamo niya sa akin bago ako itulak ng pabiro at irapan. Palibhasa patpatin, eh. Kapag humangin siguro ng malakas, ako nasa lupa pa siya lumilipad na."Ewan ko sa'yo. Alam mo kung anong bagong balita?""Ano?"Nilabas ko yung mga notebook ko at isinalansan sa desk. May nahulog pang isang notebook na kinuha niya rin naman, itinuktok pa niya iyon sa ulo ko bago ipatong sa ibabaw ng iba kong notebooks. Hindi ko na lang sinita. "Wala rin akong assignment. Alam mo kung ano pa?""Ano ulit?""Hindi ko alam kung saang subject tayo may assignment."Pumalatak siya na akala mo sobrang disappointed sa akin kahit sanay naman na kami sa ugali ng isa't-isa. "Ella, Ella, Ella. Wala ka talaga.""Ay, nagsalita yung laging walang gawa.""Alam mo," Umakbay siya sa akin at talagang walang kahiya-hiyang idinipende ang bigat niya sa akin. Payat siya oo pero may bigat pa rin naman siya, buto niya lang yata sa katawan ang may timbang, eh. "Madali lang ang solusyon diyan.""Mangongopya ka na naman?" Walang ganang tiningnan ko siya. No wonder maaga siyang nag-chat kagabi para sabihing pumasok ako ng maaga-aga. "Hindi na bago 'yan.""Tayo." Binigyang-diin niya yung sagot niya. "Tayo ang mangongopya. Partners in crime tayo, eh!""Huwag mo sabihing..." Nabitin ang pagsasalita ko nang walang paalam na umalis siya at kaagad na nilapitan si West na kakarating lang kasama ang kambal nito. "Sabi na, eh.""West, my friend!" Umakbay si Valeen kay West bago tumingin kay East na ang aga-aga ay nakangiti na kaagad. "East, my friend, gumaganda ka yata!""Nah, small things," Pabirong sagot ng hyper na Hansen. "Ikaw din pretty, Valeen girl.""Bolahan pa us here," Hinila niya na rin si East para akbayan. Mukha siyang batang ibinitin sa puno. Ang tangkad no'ng kambal tapos aakbayan niya. Matangkad pa sa akin si Valeen pero walang dudang lamang yung dalawa. "Pero tingin mo magugustuhan na ako ng crush ko?""Oo naman!" Hindi ko na alam kung seryoso pa ba ang sagot ni East or nakikipaglokohan na rin siya sa best friend ko. Si West naman ay seryoso lang, walang reaction kahit halos magsigawan na yung dalawa sa tabi niya. "Kain ka lang kaunti pa."Ngumuso si Valeen pero sa huli ay natawa na lang din. "Anyway, West, my friend, may assignment ka?"Tumango si West. Walang salitang inilabas nito sa bag ang ilang notebook. Pati tuloy mga kaklase namin parang gusto nang kumopya sa way ng pagtingin nila ro'n sa tatlo. Para talagang mga sira. Binigay niya yung mga notebooks sa best friend ko at umalis sa pagkakaakbay nito.Huli ko ang pagsimangot ni Valeen pero ngumiti rin naman kaagad. "Thanks, thanks!"Umalis na rin si East at bumuntot kay Lucy na kakarating lang. Parang tukong kumapit sa kanya yung hyper na Hansen at dumaldal rito kahit hindi halos sumasagot yung isa. Kumunot ang noo ko. Parang ang putla at ang tamlay masyado ni Lucy ngayon."Good morning." Bati ni West, ni hindi ko namalayang nakalapit na siya sa akin. Katabi niya si Valeen na tinitingnan kaming dalawa, halatang nagtataka."Good morning din." Nginitian ko siya, pilit kong hindi sinasalubong ang tingin ng kaibigan ko. Nang umalis na siya ay saka ako nakahinga ng maluwag, pero saglit lang 'yon dahil biglang tumikhim ng malakas itong isa. "Ah, kopya na tayo?""Ella.""Uhm, bakit?""Daya mo!" Ngumuso siya at yumapos sa akin na parang nagsusumbong na bata matapos ipatong sa upuan niya ang mga notebooks. "Bakit binabati ka ni West? Kailan pa kayo naging close? No'ng isang araw ko pa siya napapansin, eh.""Ewan ko rin," Hinaplos ko ang sariling braso. "Basta one day isang araw, I saw nakakita."Natawa siya bigla, nawala yung pagnguso niya na parang inapi. Hinampas pa ako sa balikat na ikinangiwi ko. Makapanakit talaga 'to akala mo ang gaan ng kamay, eh. "Siraulo ka talaga, Ella!""Hindi ka naman nagseselos kasi crush mo siya?""Hmm..." Umupo na siya sa armchair niya. "Hindi naman, crush lang naman, eh.""Buti naman." Nakahinga ako ng maluwag. "Baka kasi mag-ala Wattpad character ka diyan na kaunting may dumikit lang sa taong gusto nila nagseselos na.""Oy, grabe ka!" Hinampas na naman niya ako sa braso kaya gumanti na ako pabalik. Exaggrated siyang suminghap habang hawak ang braso niyang hinampas ko, akala mo naapi ng bongga ang babaita. "Hinampas ako ni Jollibee!""Hoy, ang sama ng ugali mo! Ikaw nga riyan, buto na nga lang mabigat pa rin ang kamay!""At least maganda, ikaw cute lang." Maarteng nag-flip siya ng hair niyang hanggang balikat lang naman. "Anyway highway, baka naman pwedeng gawin mo rin kaming close ni West my loves?""Bibili akong malaking magnet at ipagdidikit kayong dalawa.""Good idea pero very wrong." Umismid siya ng pabiro at umiling. "Gusto ko rin maging friend siya. Anong sikreto mo?"Nagkibit ako ng balikat. Hay. Paano ko naman sasabihin sa kanya na dahil sa nalaman ko yung secret identity ni West kaya kami naging friends? I can't do that, nag-promise pa naman ako na safe ang secret niya sa akin. "Hindi ko rin sure.""Ang daya.""Hayaan mo, tingnan ko kung pwede natin siyang maisabay during breaks.""Ayan ang bright idea, Jollibee!" Kinuha niya yung isang notebook at binuklat. Nilabas niya rin yung kanya. "At dahil diyan, pakokopyahin kita ng assignment.""Maigi sana kung sa'yo 'yan, e, hindi naman.""Huwag ka na kumontra.""Tsaka hindi ako si Jollibee." Inirapan ko siya."Eh, Ella na nga." Tatawa-tawang sagot niya. Naglabas naman siya ng ballpen na color blue. "Hindi ka na mabiro."Idinikit ko yung armchair ko sa kanya. Hinawakan niya gamit ng kaliwang kamay yung notebook ni West kung saan kami kokopya. Naging copy mode expression si Valeen at mukhang kahit anong distraction ay hindi uubra sa kanya. Diyan lang siya magaling, kung 'yang focus niya nac-channel niya ng maayos sa klase, sana sa kanya ako nakikitingin ng assignment.Hindi ko mapigilang punahin yung penmanship ni West as usual. Sobrang linis. Maliit lang siya magsulat, tipong hindi dumidikit sa writing lines pero pantay, parang sobrang steady talaga ng kamay niya. Naka-all caps yung topics, naka-underline ng red yung mga important terms at organized bawat parts ng discussion. Kakainggit talaga."Ella, less tulala more kopya dapat.""Sabi ko nga, eh."Nagsimula na akong magsulat. Binibilisan ko na dahil may ibang subject pa kaming kokopyahan. Mabuti na lang maikli lang 'tong assignment na 'to or else ngarag kung ngarag talaga kami. Halos magkasabayan lang kami ni Valeen na natapos. Kinuha niya naman yung isang notebook pa at iyon naman ang biniktima namin.Napatingin ako sa may pintuan at sakto namang dumating si Jamaica. Sinundan ko lang siya ng tingin habang naglalakad ito papunta sa pwesto niya. She looked fine, mukhang good mood pa nga. Nang makaupo siya sa tabi ng best friend ay no'n ko napansin kung gaano kaganda ang ngiti ni West sa kaibigan niya.Her chocolate eyes were shining. Ang weird, pero, no'ng nginitian ako ni West last time, iba ang dating no'n sa nakikita ko ngayon. Tipid pa rin naman ang dating no'n, pero may iba talaga. Ipinagkibit balikat ko na lang. Close friends sila, of course may difference. Kung anu-ano nang naiisip ko.Nag-focus na lang ulit ako sa ginagawa dahil tumatakbo ang oras. Pero wala pa rin sa assignment ang utak ko. Ang ganda kasi ng smile ni West, para akong naaawa na hindi ko maintindihan. Siguro kasi recently laging nawawala yung isa sa klase, na-miss niya siguro kaya nang makita niya, iba yung saya na na-feel niya.Ayoko makialam pero wala naman siguro masamang magkaroon ng sariling opinion. Sana hindi niya masyadong i-take for granted si West, lagi siyang hinihintay no'ng tao. Kapag wala si Jamaica, lagi lang siyang stuck sa kambal niya na lagi namang nakabuntot kay Lucy.Lagi lang siyang mag-isa."Valeen.""Bakit? Tapos ka na ba kumopya? Kunin mo na yung isang notebook."Hindi ako sumagot. Naisip ko lang, since friend naman na ang tingin sa akin ni West, what if samahan na lang namin siya sa mga araw na wala si Jamaica? Wala naman sigurong problema. Or kung kahit nandito naman yung best friend niya edi silang dalawa na lang ayaing sumama. The more the merrier."Ayain natin mamaya sina West mag-lunch break?" tanong ko.Lumingon sa akin si Valeen, ngiting-ngiti ang loka-loka. "You so witty!""Matagal na, girl."Tumaas yung isang kilay niya ng pabiro. Pinanlisikan ko siya ng mata. Parehas na lang kaming natawa dahil para kaming mga sira. Now, kailangan ko na lang humanap ng timing para makausap si West. Nahihiya ako kapag may tao, good luck na lang talaga._____
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenFull.Me