TruyenFull.Me

My Professor Is My Husband Montenegro Series 1

Akira's POV.

"Aki! Akira!" mas binilisan ko pa ang paglalakad ko ng marinig ko ang pagtawag nya sakin.

I am pretending na hindi ko sya naririnig kahit ang lakas ng sigaw nya. Ayoko! Ayoko muna syang makausap or makita ngayon kaya nga hindi ako pumasok sa klase nya.

Nagulat ako ng humawak sya balikat ko. Naabutan nya na pala ako.

"Uy! Ella" bati ko sa kanya. I faked a smile.

Dalawang linggo na din simula nung malaman ko yung tungkol sa kanila ni Thunder at dalawang linggo ko na din syang iniiwasan.

"Didn't you hear me calling you? Kanina pa kaya kita tinatawag" sabi nya.

Na guilty naman ako. Wala naman kasing rason para magalit ako sa kany dahil wala din naman syang alam sa about sakin, kaya napagdesisyunan ko na lang na umiwas sa kanya.

But I can't help but feel hurt whenever I see her. I am also envious of her dahil si Ella, sya yung mahal ni Thunder, sya yung gusto nitong makasama at hindi ako yun.

"Ha? Sorry hindi kita narinig, malalim kasi yung iniisip ko. Bakit mo nga pala ako tinatawag?" I asked her.

"Thank goodness akala ko galit ka sakin pero bakit hindi ka pumapasok sa class mo sakin huh? Namimiss na kaya kita" sabi nya habang nakangiti sakin. She even held my hand.

Oh Ella! You're making it more difficult for me. Ako ang nagi-guilty kahit ako pa ang asawa. I can't help it she's so nice and I am afraid to hurt her.

She does not deserve the pain I am feeling.

"Ow! hindi mo pa ba natatanggap yung medical letter na pinapasa ko sayo? Hindi na muna kasi ako pwedeng mag PE dahil may health condition ako" I lied.

Pinagawa ko lang yung medical letter na yun pero totoong hindi na muna ako magpi PE dahil delikado din sa baby ko.

"Ay ganun ba? Dapat sinabi mo na lang sakin ng personal. Pwede ka namang written exam sa class ko. Okay ka na ba? I heard may nangyaring aksidente" she looked at me with a worried look. Hindi nya pa din binibitawan ang kamay ko.

"Okay na ko Ella, don't worry about me. Sige na bumalik ka na sa klase mo" sabi ko sa kanya.

"Ugh! Idi dismiss ko na lang muna ang klase ko. Let's have meryenda! I missed you na kaya! Gusto na kitang maka bonding"

I smiled. You would definitely not say that if only you know who really I am and it would definitely hurt you just like how hurt I am right now.

Pero maswerte ka pa din dahil ikaw ang mahal ni Thunder. Alam kong ikaw ang pipiliin nya kesa samin ng anak nya.

"You're lucky. Thunder loves you more than anyone" I said out of nowhere.

I am not supposed to say that but I blurted it out accidentally and my eyes are heating, feeling ko maiiyak ako but I stopped myself.

She smiled sweetly on what I said.

"Pano mo naman nalaman yan?"

"I can see and feel it"

"Ikaw talaga Akira, mahal na mahal ko din naman sya but enough with my guy, so tara na?" pagyaya nya ulit sakin.

"Sorry Ella, pass ako ngayon, kailangan ko na kasing umuwi dahil may emergency sa bahay. Sorry! Maybe next time na lang" I told her.

Nakita ko namang nalungkot ang mukha nya pero pinalitan nya din iyon ng smiling face.

"Okay fine, sabi mo yan! Next time na lang, sige na unahin mo na yung emergency nyo sa bahay. I understand" sabi nya kaya tumango ako.

"Sige alis na ko. Bye Ella" sabi ko at naglakad na.

Pero hindi pa ko nakakalayo ng tawagin nya ko ulit kaya huminto ako at lumingon. Patakbo syang lumapit sakin.

She hugged me and gave me a kiss on the cheek which shocked me.

"I really miss you Aki! Sana mag bonding na ulit tayo bestfriend" sabi nya sabay patakbong umalis.

She is waving her hand while running away.

Bestfriend? Am I supposed to be your bestfriend when we love the same man?

Pakiramdam ko ay maiiyak ako dahil nasa sitwasyon akong wala akong magawa. I can't bear to lose Thunder lalo na ngayong magkaka baby na kami.

Ang tanga ko diba? Hindi ko pa nga nasasabi sa kanya yet umaasa ako na tatanggapin nya to at magiging masaya kaming pamilya.

Umaasa na naman ba ako?

Naglakad na ako. I texted Sanya to meet me in the locker area.

Mabilis akong naglakad papunta sa locker area dahil nandoon na si Sanya.
Papalapit pa lang ako ng matanaw ko sya, buti naman mag isa sya at walang kasama.

"Aki, may problema ba?" salubong na tanong nya sakin. Mababakas mo yung pag aalala sa mukha nya.

"Wala naman" sagot ko.

"O' bakit mo ko pinatawag dito?" tanong nya sakin.

"May importante akong sasabihin sayo"

Kinakabahan talaga ako.
Pakiramdam ko mommy ko si Sanya.
Speaking of mommy, hindi ko pa din nasasabi sa parents ko ang kalagayan ko dahil malamang pag sinabi kong buntis ako ay makarating na agad kay Thunder yun.

"Speak up" sabi ni Sanya na naka serious face.

"I'm pregnant"

"You're what? OMG! Are you being serious now? Buntis ka? How? When?" sunod sunod ang naging tanong nya.

"Anong how? Don't ask me how! Eight weeks na sya. Remember nung umalis kami ni Thunder?" sagot ko.

Sinandal ko ang balikat ko sa locker room. Ang bilis kong mangalay at mapagod.

"Totoo nga?! Alam na ni Thunder?" umiling ako kaya nakaramdam ako ng mahinang hampas mula sa kanya. "Bakit hindi nya alam?! May balak ka bang sabihin sa kanya? Bakit di mo sinabi?"

"Ella" simple kong sagot sa kanya.

"Tsk! Sabi ko na sayo kaya hindi ko bet yang Ms. Reyes na yan diba? Nara radar ko na kasi! Kita mo na kaagaw mo pala kay Thunder"

"Nauna sya sakin"

"Pero ikaw ang asawa at ngayon, magkakaanak na kayo. Dapat malaman ni Thunder yun" nakita ko yung inis sa mukha nya.

"Sa tingin mo ba sasaya ako at ang baby namin kapag nalaman namin na kaya lang ako pinili ni Thunder is because magkaka anak kami? Gusto ko piliin nya ko as me, bilang asawa nya. I wanna fight Ella fair and square. Honestly, I don't wanna hurt her pero wala akong magawa sa sitwasyon naming tatlo."

Nakaramdam naman ako ng tuktok sa ulo mula sa kanya. Mapanakit tong bestfriend ko kahit kailan.

"You don't wanna hurt her kaya okay na ikaw masaktan? Nasan na ba ang martyr award at ng maibigay ko na sayo. Aki, hindi uubra yang sobra kang bait dahil kailangang isipin mo naman yung baby mo"

"I know, Iniisip ko sya kaya nga hindi ako nagpapadalos dalos sa desisyon. Ayokong lumaki sya sa broken family pero mas ayokong lumaki sya sa buong pamilya nga pero hindi naman masaya. Isa pa, alam ko kung gaano nila kamahal ang isa't-isa, ako naman talaga ang kontrabida dito"

Tumulo ang luha ko ng maaalala ko yung mga naging sagot nya sakin kahapon. Ano bang meron si Ella na wala ako?

Hahampasin dapat nya ko pero tumigil sya.

"Naku! Pasalamat ka talaga dahil hahampasin sana kita kung hindi ka lang buntis" magsasalita na dapat ako ng

"Sinong buntis?" I froze when I heard his voice.

He was not supposed to hear that, ako dapat ang magsasabi sa kanya. Hindi pa din ako humaharap sa kanya at kay Sanya lang ako nakatingin. Nakita ko ang shocked face ni Sanya.

"A-are y-you Aki? Are you pregnant?" his voice is trembling.

I looked at him.

"Cloud" I only managed to say his name because devastation is written all over his face.

"I really need to go, pupuntahan ko muna si Josh. Sorry Aki, hello Cloud, bye!" pagkasabi nun ni Sanya ay nagmamadali syang tumakbo paalis.

Tsk! Anong klaseng kaibigan? Gusto ko sanang nandito sya dahil pinanghihinaan ako ng loob.

Cloud is still looking at me. I held his hand and pulled him upstair, sa may rooftop.

Buti walang tao dito ngayon. Bibitawan ko na sana ang kamay nya but he held my hand tightly. Hinarap nya ko sa kanya kaya nakita ko na naman ang mga titig nya sakin.

"Tell me Aki, tell me the truth please?" sa sinabi nyang yun ay napaiyak na ko sobrang guilt.

I've inflicted too much pain on him already. He doesn't deserve this!
Cloud is such a good and loving guy.

Umiling ako.

"I can't"

"Please, be honest with me" he looked at me sincerely.

Tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha ko at dahan-dahang tumango ako sa kanya.

"Cloud, I'm sorry" I started trying to stop my sobs. "I'm really sorry. I'm pregnant. I'm carrying Thunder's child"

Parang nawalan ng pwersa si Cloud at napaupo sya sa bench doon. Hindi nya pa din binibitawan ang kamay ko pero nakayuko na sya.

And what I heard next, broke my heart.

He's sobbing.

"Cloud" tawag ko sa kanya.

Wala syang ginawa sa akin. Minahal nya lang ako at ito ang naging sukli ng pagmamahal nya sakin. Sinaktan at pinaiyak ko sya.

Ang sama-sama kong tao.

"Cloud, I am so sorry. You don't deserve any of this at maiintindihan ko kung di mo ko mapapatawad, ako na ang kusang lalayo sayo. I'm really sorry Cloud but please know that I didn't mean to hurt you" hingi ako ng hingi ng tawad sa kanya.

Umiiyak sya pero hindi pa din nya binibitawan ang kamay ko.

He stood up and looked at me with so much pain in his eyes.

What have I done to this guy?

Nagulat ako ng yakapin nya ko at ibaon ang mukha nya sa balikat ko.

Akala ko ba, mahina kapag umiiyak ang isang lalaki pero bakit ngayong umiiyak si Cloud sakin, he looks more tough to me because he is showing his emotions?

Nararamdaman kong nababasa na ang uniform ko na mas nakapagdagag sa guilty ko.

"Please just stay still" sabi nya. Umiiyak pa din ako dahil nasasaktan ako para kay Cloud. I hugged him back, hoping that will ease the pain I brought along the news I gave him.

Yayakapin ko na sya ng mahigpit dahil baka huling pagkakataon na ito dahil baka tuluyan ng mawala sa buhay ko si Cloud.

Hindi ko sya nakikita pero inangat nya na ang ulo nya mula sa balikat ko at mukhang nagpupunas na ng luha.

Pagkatapos nun ay tinitigan nya ko.
He already stopped crying.

"Cloud, I'm sorry" sabi ko. Pinunasan nya naman ang luha ko.

"Wag ka ng umiyak. You are just breaking me even more if you are crying like that because of me" sabi nya.

He tried to plaster a smile. Alam kong pilit lang yun pero nag try pa din sya to lessen my guilt.

Kahit na nasasaktan ko na sya ako pa rin ang inaalala nya.

How can I deserve him?

"Hindi ako magsisinungaling, masakit. To be honest sobrang sakit. Lalo na dito" tinuro nya yung puso nya. "Pero mas masakit para sakin kung mawawala ka ng tuluyan sakin Akira. Ganoon kita kamahal. I just can't live without you"

Nagsimula na namang mamuo ang luha sa mga mata ko. Why is he like this?

"Wag na sabing umiyak, sige ka hahalikan kita kapag umiyak ka pa" sabi nya at pinunasan muli ang luha ko.

I know he is just teasing me to make me feel better.

"Cloud, you don't need to do this"

"I need to, not because I am a masochist but because loving you fulfill my whole existence Akira. I told you diba? Let me just love you, bakit ba ang tigas ng ulo mo? Oo anak nya nga yan pero that doesn't mean that I should let go of you Akira. I can be a better father than him" sabi nya kaya mas nagulat ako.

"What do you mean?" I asked.

"Aakuin ko ang responsibilidad. Akin yung bata. I will take care of the both of you. Hindi ko kayo pababayaan. If you will just let me Aki"

"But I can't be that selfish! Sobra sobra na yung sakit na naibigay ko sayo"

"Kahit anong sabihin mo, nandito lang ako. I know that you are not ready and that you love him but know that anytime, sasaluhin kita kahit ilang beses mo pa kong masaktan"

"Cloud"

"I love you Akira" at lumapit sya sa tyan ko. "And I will also love this little one"

Gusto kong umiyak pero pinigilan ko dahil sa banta sakin ni Cloud.

Lumapit si Cloud at niyakap ako ng mahigpit.

Ang swerte ko siguro pagdating kay Cloud. Nakakatuwa yung ginawa nya at sinabi nya para sa baby ko even though hindi naman nya talaga anak to.

Ganito din kaya ang maging reaksyon ni Thunder pag nalaman nya to? Pano kung hindi? Pano kung i reject nya ang baby namin at si Ella pa din ang piliin nya?

I'm afraid to know the answer.

Naramdamn kong hinalikan ni Cloud ang tuktok ng ulo ko.

I looked at him.

Oh god! He's such a blessing to me!
Why can't I just fall inlove with him?

---------
To be continued.

Team Ulap, mag ingay!

Akin na nga lang si Cloud kung ayaw mo sa kanya Akira.

Sinong may gusto kay Cloud? Ipapa take home ko muna sya sa inyo

- Noona

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenFull.Me