TruyenFull.Me

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (Montenegro Series #1)

Chapter 34

KayeEinstein

Akira's POV.

Papasok pa lang ako ng building ng kompanyang pinamamahalaan ko ay sunud sunod na pag gi greet na ang natanggap ko mula sa mga empleyado. I greeted them back.

Masyado akong good mood ngayon.
Isang linggo na ang lumipas pero hindi pa din ako ginagambala ng halimaw na Thunder na yun.

Nakakapagtaka nga at walang board meeting or personal meeting na bigla bigla na lang nyang tinatakda para mabuwisit ako.

Di mo namimiss?

Pang aasar sakin nitong traydor kong puso. Bwisit kahit pa anong sabi kong naiinis ako sa mga pa meeting nya e hindi ko maiwasang malungkot.

Sumakay na ko ng elevator ng bumukas ito. Pinindot ko ang 16th floor kung nasaan ang opisina ko.

Ano na kaya ang nangyari sa gunggong na yun?
Natauhan na ba sya at naisipan ng sumuko dahil nandyan na si Cloud or baka naman nagkabalikan na si Ella.

Napapikit ako dahil naramdaman ko ang inis. Pag nalaman ko lang talagang nagkabalikan na sila, ihahampas ko sa kanya tong stiletto ko. Aba! Pagkatapos nya kong landiin, iiwanan nya na naman ako sa ere.

Eh anong ginagawa mo sa kanya? Iniiwan mo din naman sya sa ere dahil kay Cloud diba?

Once again, ito na naman ang puso ko, napakahilig sumabat.

Naalala ko na naman tuloy ang sinabi ni Cloud na once na ma annul kami ni Thunder ay magpo propose na sya sakin.

Aish! Naguguluhan ako.
Bakit ba kasi nag iba si Thunder?
Aside from mas gumawapo sya, naging palangiti na din sya at nabawasan na ang pagiging masungit nya and that makes him more hard to resist.

Mas okay na sana kung sinungitan nya na lang ako at hindi na pinansin. Mas okay pa sana yun para hindi ako nahihirapan ng ganito.

Tiingg

Bumukas na ang elevator. Palabas pa lang ako ay nakita kong may mga palabas na parang mga construction worker.

WTF? Anong meron? ang alam ko ang 16th floor ay para lang sakin dahil ako ang CEO. Pero bakit parang ginagawan ng isang kwarto pa dito?

Naglakad na ko palapit sa sekretarya ko na si Gina.

"Gina, what's happening here?"

"Ah ma'am, nirerenovate po yung stock room dito, gagawin pong opisina"

"Opisina? For whom? Ako lang ang CEO nyo? Who permitted this?" naiinis ko ng tanong.

Dapat kung may gagawin sila dito ay humihingi muna sila ng permiso ko.

"I did" kusa akong napaharap sa boses nya na kahit nakatalikod pa lang ako e alam kong sya.

Tinaasan ko sya ng kilay.

"You what?! Anong problema mo at nagpagawa ka pa talaga ng opisina rito Thunder?" inis kong sabi.

"It will be my office" cool nya lang sabi.

Naka business suit sya ngayon pero akala mo kung maka akto ay teenager pa kami.

Tiningnan ko ang sekretarya ko.

"Bakit pinayagan mo agad tong lamang lupa na to ng di man lang ako tinatawagan?" tanong ko kay Gina

"Ma'am, tumawag po sakin si Sir Rodrigo, sya po ang nagbigay ng permission" sagot nito na halatang takot.

Damn! Si Dad na naman. I knew it! Gustong gusto talaga nilang magkabalikan kami. Mabuti na lang talaga at hindi nila sinasabi sa kulog na to ang about kay Celestine dahil kung hindi tatalikuran ko na talaga sila.

Napahilot ako sa sentido ko, pakiramdam ko ay maha high blood ako.

"Akira, don't be stubborn. May I remind you na conjugal property natin ang lahat. So basically, co owner ako ng kompanyang to and so are you to my company"

Nakita kong nanlaki ang mata ni Gina sa narinig nya. Hindi naman kasi batid nito na may asawa ako dahil ang alam nya lang is boyfriend ko si Cloud.

"Thunder!" saway ko dito na nginitian lang ako. Nakatingin na sya sa sekretarya ko.

"Mukhang di yata alam ng secretary mo na ako ang asawa mo" she smiled at her at kahit naiilang ay ngumiti pabalik si Gina. "Gina right?" tumango naman ito. "Ayan, kilala mo na ko, ako ang legal nyang asawa kaya wag mo ng papasukin yung panget na lalaking umaaligid-aligid sa asawa ko or else I'll fire you"

"Thunder!" galit ko ng suway sa kanya.

Halatang natakot sa kanya si Gina.

"Gina, pasensya ka na hindi ka nyan tatanggalin" pag explain ko dito and then nag ease na yung mukha nito.

"Ikaw walang hiya ka. Tara dito, dito tayo mag usap. Malilintikan ka talaga sakin. Ilang beses mo na bang ginagamit yang posisyon mo to get what you want" sabi ko habang bara-barang hinili sa tenga si Thunder papasok sa opisina ko.

"Aray!" sigaw nya nung finally makapasok na kami sa opisina ko.

"Ano ba talagang gusto mo?! Bakit kailangang magpagawa ka pa ng opisina dito?! Nababaliw ka na ba? Hindi pa ba klaro ang lahat sayo?" naiinis kong sabi. Naka cross arms na ko.

"I told you Akira, I would do anything to get you back, ikaw yata ang hindi nakakaintindi? I don't care if you have that boyfriend of yours. Quits na kami" seryoso nyang sabi.

"What do you mean?"

"Sa tingin mo ba pumayag akong bugbugin nya ko nung sumugod sya sa bahay ng walang dahilan?" umupo sya sa couch dito sa opisina ko. "I am grateful na inalagaan ka nya at alam ko namang mahal ka nya and to compensate the pain that I will bring him once na bumalik ka na sakin, nagpasapak na lang ako when I can kill him right away"

Napalunok ako, so yun pala ang dahilan kaya pala hindi sya lumaban nung gabing yun.

"Why so confident na babalik ako sayo?" I asked him.

"I know and I feel it. I know you do too" a smile played on his lips.

"Really?" I faked a laugh. "I don't want you back, you see, masaya na ko kay Cloud at sya na ang mahal ko. I am completely over you Thunder"

Kinakabahan ako habang sinasabi ko yan. Totoo naman diba? Totoo naman na mahal ko na si Cloud diba? Na hindi na si Thunder.

Lies

Ayan ang pilit na dinudukdok sakin.

"Really?" tumayo si Thunder at lumapit sakin. Umatras naman ako ng umatras para di sya makalapit sakin kaso tumama na ko sa mesa. Dead end. He bent his head towards me.

Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. Nakangiti pa din sya pero ako halos hindi na makahinga. Para kasing gusto ng lumabas ng puso ko.

"A-ano b-bang g-ginagawa mo Thunder!" sabi kong na nauutal utal.

"You said that you are completely over me? Let's see, what if I kiss you?" tanong nito sakin.

I don't know if it's a joke or he's saying that he will really do it pero parang aatakihin na ko sa puso.

"W-wag mong gagawin yan! Isa Thunder!" suway ko sa kanya.

Yung mata nyang kulay chocolate are making him more hard to resist. Damn!

Naramdaman kong palapit ng palapit ang mukha nya sakin kaya napapikit na lang ako.

5 years ang ginugol ko sa pagmu move on at ito ako magpapahalik sa taong dahilan ng lahat.

Baliw ka Akira.
Baliw na baliw ka sa lalaking yan!
Itigil mo na yan.

Ilang segundo na kong nakapikit pero wala pa din akong nararamdamang mga labi kaya dumilat na ko. Nakita kong taimtim syang nakatitig sakin. Ngumiti sya ng dumilat ako at lumayo na sakin

Sa wakas nakahinga din ako ng maayos.

Kumunot ang noo ko. Anong problema nitong lalaking to? Akala ko hahalikan nya na ko tas biglang hindi

Sus na disappoint ka lang na di ka nya hinalikan e

FYI hindi no! Katangahana kung magpapahalik ako sa kanya.
May boyfriend kaya ako.

Pero sya ang asawa mo? Anong masama don?

Lecheng puso to, malapit na kitang dukutin at itapon.

"You look beautiful Akira" seryoso nyang sabi.

And here we go again mga kababayan. Naghuhurumentado na naman ang loko loko kong puso.

"Let's have lunch together later, I'll just check on how is it going outside" sabi nya.

Tatanggi sana ako pero walang lumalabas na salita sa bibig ko.

He smiled at me bago lumabas ng opisina ko.

Why is it like this?
Why do I kept being dragged in this mess?
Mali to. Maling mali.
Tapos na kami ni Thunder 5 years ago but here he is. Invading my peaceful life and my stupid heart.

Pabagsak akong umupo sa swivel chair ko. Mabuti pa at magtrabaho na ko dahil wala akong matatapos kung puro yung kulog na yun ang iisipin ko.


Ilang minuto na lang ay magla lunch na, alam kong anytime ay dadating na ang kulog na yun kaya inayos ko na ang mga gamit ko. I even went to the bathroom para mag retouch.

Gosh Akira! Lunch lang to! Hindi ito date.

Ito kasi ang unang lunch namin, diba nga hindi natuloy yung lunch namin dahil nagkasakit sya.

Lumabas na ko sa restroom ko at nagulat ako

"Cloud" pagtawag ko sa kanya.

Tumayo naman sya at ngumiti. Maya maya ay niyakap nya ko.

"Are you going somewhere?" tanong nito sakin na nakayakap pa din.

"N-no. Nag restroom lang ako" pagsisinungaling ko.

"Namiss kita" sabi ni Cloud.

"Magkasama lang tayo kaninang umaga" sabi ko.

Hindi pa din sya bumibitaw sa pagkakayakap sakin.

"Kahit na, namimiss kita every second. Ganun kita kamahal Akira" seryoso nyang sabi.

And it pained me.
Ito ako at nagsisimula na namang mabaliw kay Thunder nang hindi man lang iniisip si Cloud.
Pag nahulog na naman ako sa kulog na yun ay masasaktan ng husto si Cloud.

"What brought you here?" tanong ko, kumakawala ako sa pagkakayakap nya pero mas yinakap nya pa ko ng mahigpit kaya hindi na ko pumalag.

"Let's have lunch together?"

Damn. Naka oo na ko kay Thunder at any moment parating na yun.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng opisina ko.

Pinilit kong humiwalay kay Cloud and I succeed but it's too late, nakita nya na kaming magkayakap.

Heck! Why do I care kung makikita nya yun?

Nakita kong ang sama ng tingin ni Thunder kay Cloud habang si Cloud naman ay nakangiti.

"What brought you here Thunder? Sa pagkakatanda ko hindi dito ang opisina mo?" panimula ni Cloud.

"You don't care. Isa pa. Dito na ko mag o-opisina. Didn't Akira informed you?" sagot ni Thunder.

Nakita kong nawala na ang ngiti sa labi ni Cloud.

"You mean, yung nire renovate na kwarto ay para sa kanya?" tanong sakin ni Cloud.

Tumango ako.

"My father permitted him" sagot ko. His hands balled into fist.

"Mukha yatang ayaw sayo ni dad kaya he still supports me para magka ayos kami ni Akira" mayabang na sabi ni Thunder.

"Thunder, tumigil ka!" suway ko dito.

Alam ko kasing pag pinabayaan ko sila ay hahantong na naman ito sa sapakan. Mahirap na dahil opisina ito.

"Tsk. Let's go Akira, I thought we're having lunch" sabi ni Thunder sakin.

My body frozed, nakatingin lang samin si Cloud.

Hindi ko alam ang gagawin ko nagsalit salitan ang tingin ko sa kanila.

But I have to make a decision.
A wise one.

"No. I'm having lunch with Cloud, he's my boyfriend" I coldly said.

Nakita kong ngumiti si Cloud.

Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa kamay.

Nakita kong nakatingin sa magkahawak na kamay namin ni Cloud si Thunder.

"Tara na Akira" pagkasabi nya ni Cloud nun ay hinila nya na ko palabas.

Nagtama pa ang tingin namin ni Thunder and I can see pain in his eyes and kahit ayoko ay nasasaktan ako.

Habang nakasakay kami sa elevator ni Cloud ay bigla syang nagsalita.

"You wanted to be with him, right?" nagulat ako.

"Ano ka ba naman Cloud. Of course Ikaw ang gusto kong makasama" sabi ko sa kanya.

I don't care if I am lying. Ayoko lang syang masaktan.

"You chose me dahil pinapangatawanan mo na boyfriend mo ko. I can see it in your eyes Akira. Pero hanggang kelan mo kaya ako pipiliin. Natatakot ako na dumating ang panahon na hindi na ako at sya na ulit"

"Cloud" sabi ko at niyakap na lamang sya.

Thunder's POV.

Who the hell he think he is. Pasalamat sya at sya ang pinipili ni Akira ngayon.

Fvck I wanted to punch him nung hawakan nya pa lang si Akira.

That woman is mine!

He better start praying na hindi kami magka ayos ni Akira dahil susuntukin ko sya once he lays even the tip of his finger on her.

Damn. I am burning from anger just thought that she's kissing that guy.

I need to thoroughly cleanse her then.

I am not giving up Akira
No matter what you do.
I know. I know I still have a place in your heart and you are just too scared to admit it.

------
TBC

Whatchasay?
Si Cloud na naman ang pinili :(

- Kaye

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenFull.Me