TruyenFull.Me

Sapphire Academy School Of Nobles

You may follow me on Tiktok @justcallmecai for #SapphireAcademy contents.

Chapter 15

Family

I took a deep breath after I read his message. I know that it's an emergency and that I should understand, but it hurts.

Napatingin ako sa suot na skating shoes. Siya ang nagkabit, pero ako rin pala ang mag-aalis. Yumuko ako para matanggal na iyon. May next time pa naman...

"Uwi na po, Ma'am?" One of my bodyguards asked.

I just nodded.

Before heading out, I bought a big bottle of Evian. I may be sad, but at least not dehydrated!

Habang nasa kotse, hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Pumikit ako habang yakap iyong water bottle ko. Why am I such a cry baby?

Iniwan ako ni Jax, so what? There's an emergency, eh! Panay ang punas ko sa luha na bumabagsak. Hindi naman dapat big deal, right?

Sobrang naging mabilis lang ang byahe dahil walang traffic. Sana nga ay mas matagal pa dahil I want to senti pa for a while.

"My Cali-bear, you're home early... I thought hindi ka na rito sa bahay mag-didinner?" Ang Mommy iyon.

She's in the sala with the kambal. The twins are both sleeping and looking like a doll. Ang sarap pisilin ng cheeks!

"Change of plans, My."

Lumapit ang Mommy at yumakap sa akin. "Alright, magluluto na lang ako ng favorite mo mamaya for dinner."

Napangiti ako roon... Hapon na pero napansin kong wala pa si Daddy. Usually on Saturdays, he's already home at lunch time.

"Wala pa po si Daddy, My?"

"Gagabihin ang Dad mo ngayon, alam mo naman, busy sa bagong office... Hay nako, sabi ko naman kasi sa kanya, 'wag siyang magmadali na pasukin ang real estate business. He should've waited for Kairon to graduate! Siya tuloy ang nahihirapan ngayon."

Matagal na itong plano ni Dad. Hindi siya mahihirapan kung katulong niya si Mom, pero dahil baby pa ang kambal, hindi pa pwede sa ngayon. Matagal pa bago maka-graduate si Kuya. Halos magiging sabay lang kami if ever!

"Tito Dominic will help him naman, right?"

The Mercados are the best in terms of real estate business. They are known for it.

Mom nodded. Magsasalita pa sana siya pero umiyak na iyong isa sa kambal. Tumakas naman na ako at nagpunta sa room ko.

I took a shower and wore a pair of pajamas. I just want to spend time with my bed. Bago humiga ay tinignan ko muna ang phone ko, hoping a little that he would text me again... But he didn't.

Well, he have an emergency! At saka wala naman siyang responsibility sa akin! We're just friends anyway...

"Ms. Cali, may bisita po kayo sa baba."

Dahan-dahan akong bumangon nang marinig iyong paulit-ulit na katakok sa pintuan ko. I fell asleep pala! I checked my watch, it's already 8pm.

"What, Yaya? Dinner is ready?" tanong ko habang kinukusot ang mga mata.

Hindi ko masyadong narinig iyong sinabi ni Yaya Tess. Hindi na siya sumagot pa kaya naman lumabas na ako agad. I walked down stairs with my pajama. Nag-uunat unat pa ako. I had a really good sleep ha!

My eyes were half open when I reached the kitchen.

"What's for dinner, Mom?"

"Cali-bear, samahan mo muna ang kaibigan mo sa sala. I'm still preparing..." Hinila pa ako nang Mommy hanggang sa makarating kami sa sala.

Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita si Jax na nakaupo roon sa couch namin.

"Jax?!"

Agad naman siyang tumayo nang makita ako.

"Diyan muna kayo. I'll call you once I'm done preparing, malapit na rin," Mom said and went away.

"W-What are you doing here?" Gulat na gulat pa rin ako na nandito siya sa bahay.

Do we have an assignment or project? Prefect's meeting? What? Why is her here?

"Gusto ko mag-sorry sa 'yo ng personal..." he trailed off. "Cali, sorry talaga sa kanina. Hindi ko talaga gusto 'yong nagawa ko. Hindi ko gustong iwan ka. Nagpunta ako rito kasi hindi ako mapalagay. Ang gago lang kasi no'ng ginawa ko... Walang kahit na sino ang deserve na maiwan nang ganoon."

Ang bilis ng tibok ng puso ko. I am only expecting another text message from him but he came to my house instead. If he isn't ideal, tell me who is?

"Sobrang excited mo pa naman mag-skate..." he added.

"Don't worry about it. Emergency 'yun, Jax. Okay lang."

"Naiyak ka nga Ma'am, eh," bulong ni Kuya Raymond sa gilid ko.

"Kuya!" I glared at him.

Siya iyong isa sa mga bodyguards na kasama ko kanina. He saw me crying in the car? Oh my God!

"O-Okay lang, Jax. Don't worry about it," ulit ko.

Thank God at hindi niya narinig iyong sinabi ni Kuya Ray!

"Hindi okay 'yun, Cal... I'm really sorry. Iyong tumawag sa akin? It's not really Paige. It's their Dad. Pinapapunta ako ni Tito sa ospital para kay Beau kaya nagmadali na ako at hindi na nakabalik. Sorry, Cali."

I smiled at him. "You visited your friend na?"

He nodded. "Sleeping beauty pa rin, pero stable na."

That's really good to hear. And I can really see that Jax is happy for his friend. Beau is so lucky to have him.

"Guys, dinner is ready!"

Ang Mommy iyon. Suot niya pa ang apron niya nang balikan kami ni Jax sa sala. We have maids in the house, but she always want to take the kitchen work. She loves cooking.

"Hindi na po, Ma'am–"

"Jax, I'll be upset if you won't eat here. Naghanda na ako," pagputol ni Mommy kay Jax. "And I told you, Tita na lang."

"A-Ah... Okay po. Ayaw ko lang po sanang makaabala, Tita," Jax said and scratched his head shyly.

"No! We love visitors!" Mom said.

Buti na lang at gagabihin si Daddy ngayon. Hindi ko alam ang gagawin pag nandito siya tapos ay biglang bumisita si Jax. Baka kung ano pa ang isipin ng Daddy!

Papunta na kami ni Jax sa dining area nang mapansin kong panay ang tingin niya sa akin.

"What?" I asked.

"Ang ganda ng bahay n'yo..." he said. "At mahilig ka pala sa teletubbies."

Kumunot ang noo ko. "Huh? What teletubbies?"

Ngumuso siya sa akin at nang mapatingin ako sa sarili ay agad akong nag-panic.

"Oh my God! Wait!"

Mabilis akong tumakbo at umakyat pabalik sa kwarto. I'm wearing a freaking teletubbies pajamas! It's so nakakahiya! Argh!

How did I forget? Damn it! Just damn it!

I immediately changed my clothes into a casual one, a t-shirt and a dolphin shorts. I also put a little bit of pressed powder and a light pink lip balm.

Lo and behold, pagbalik ko ay naabutan ko sina Mommy at Jax na nagtatawanan. Oh my God. She's so fond of him!

"Cali, where have you been? Lalamig na ang food..." Ang Mommy.

"Kain na, Cal," si Jax na akala mo ako 'yong bisita tapos siya 'yong anak!

"I changed my clothes, My! You didn't even remind me that I'm still wearing a pajama," I told her.

Mom laughed. "What? You look good naman in those."

Nilagyan ni Mommy ng tempura ang plate ko at ganoon din ang kay Jax.

"Favorite ito ni Cali," Mommy said. "Sige na, kain na."

I love shrimps. Kahit anong luto, but tempura is my all time favorite! Mukhang masarap din iyong mga side vegetables na inihanda ni Mommy!

"Wife, I'm home."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Daddy. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. What would Dad say if he saw Jaxith here having a dinner? Oh my God!

Akala ko ba gagabihin si Dy? It's a prank!

"Hubby, tara kain na!" Sinalubong ni Mommy ang Daddy.

Tumayo naman din ako para masalubong at mayakap si Dad.

"How's my little princess?" Dad asked me and kissed the top of my head.

"I'm fine, Dad... And umm, Jax is here."

Naglakas na ako ng loob. Mabilis din namang lumapit si Jax kay Daddy.

Medyo nagulat si Dad pero ngumiti naman siya rito. "It's good to see you, Jaxith."

"It's good to see you too, Sir," Jax formally said.

"Tito na lang!" hirit ni Mommy.

Naubo bigla ang Daddy. "I prefer Sir for now, Abigail. Our daughter is just a first year college student!"

"Apxfel, we've been together way back in highschool! Your daughter is already in college! College and single, can you imagine?!"

Nagugulat ako sa mga sinasabi ni Mommy. I can't believe she's saying this now! Nakakahiya kay Jax!

And what is with being college and single? It's not bad naman, ah!

"The tempura looks yummy!" sabi na lang mi Dad at lumapit na roon sa dining table.

Napailing na lang ako at umupo na rin. Sumunod lang sa akin si Jax. This is really not a good idea. I know that Daddy will be uncomfortable!

Nagsimula na kaming kumain. As expected, masarap talaga ang luto ni Mom. I'll choose any of her dishes than those in restaurants.

"What brings you here, Jax?" Daddy asked. "Nililigawan mo ba ang anak ko?"

Agad na nabulunan si Jax doon.

"W-We're just friends, Dad!" giit ko.

Oh come on! Daddy is not giving up! Magkaibigan lang naman talaga kami ni Jax!

Jax cleared his throat. "Yes, Sir. Cali and I are good friends... Pag dumating po ang panahon na manliligaw po ako, pangako ko pong kayo ang unang makakaalam."

Napalunok ako roon. Pag dumating ang panahon?

Dad looked at Jax like he was amazed of something. "There isn't really a problem with me. But there is to my eldest son... Maigi kung siya ang unang makakaalam."

"Dad!" I tried to stop Daddy from talking so much.

He shouldn't mention Kuya Kairon because he's scary enough! Si Mommy naman ay patawa-tawa lang sa gilid. I can't believe my parents! How long will they embarrass me in front of my crush?!

"Nanununtok 'yon," dagdag pa ng Daddy.

"Daddy!" pagpigil ko ulit.

Pagkatapos namin sa main course, inihanda naman ni Mommy ang dessert. She put the blueberry cheesecake on the table and slice each into a triangular shape.

"How's the estate, Dad?" I asked.

"Now, that's my daughter," Dad proudly said. "It's fine, princess. Don't worry about me. Dalian n'yo na lang grumaduate ng Kuya mo. I can't wait to retire!"

Natawa naman ako roon. He always say that his dream is to stay home with the family, play golf, and ride horses. He's too cute.

"How about the Yrreverres, Jax? Aside from the academy, what else does your family manage?" Dad asked.

Now, he sounds intimidating!

"A publishing company, Sir... Aside from that, nothing much," Jax answered humbly.

Tumango-tango ang Daddy. He really seems impressed. Hindi pa nila alam ang tungkol sa airlines, I don't even know kung alam nilang Pereira si Jax. Kung malaman pa nila, they will be so pleased! Pero ayaw ko munang banggitin iyon lalo na at alam kong hindi komportable si Jax na pag-usapan ang Dad niya.

"Jax, kain ka pa." Inaalok pa ni Mommy ng cheesecake si Jax.

"I'm good na po, Tita."

Nakailang sandok na ata si Mommy sa kanya! Kulang na lang ay ipakain kay Jax iyong buong cake! Kuya will be so pissed if he's here! Mama's boy pa naman 'yun!

"You really remind me of someone very special," Mom said while looking at Jax.

My forehead creased. What is my Mom saying? Tinignan ko pa si Jax pero wala naman akong maalala na close family friend na kamukha niya?

"He really does look like him..." Ang Dad naman.

Mom looks like she is about to cry!

"Marami raw po akong kamukha, eh... Minsan nga po may nagpapa-autograph sa 'kin, akala artista ako!" biro pa ni Jax.

Natawa naman doon si Mommy. She really likes him! Kuya should be ready to be dethroned as the eldest son!

"Jax, do you play chess?" Daddy asked him.

What now? It's already 9:30pm! Wala ba silang balak pauwiin itong si Jaxith?

"Yes, Sir."

"Good! Let's play!"

Umakbay si Daddy kay Jax tapos ay nagtungo na sila sa gaming room. Kuya Kairon will be really pissed, I swear!

Susunod sana ako sa dalawa, kaya lang ay maiiwan si Mommy sa dining area kaya naman hindi na muna ako umalis.

"Are you okay, My?" I asked.

We are both cleaning the table now. Mom really like kitchen works, from cooking up to cleaning.

"Yes, Cali-bear... I'm just happy."

Kumunot ang noo ko. Dahil kay Jax?

"Mom, who reminds you of Jax? I can't remember anyone looking like him..."

Napatigil siya sa paglalagay no'ng cheesecake sa box.

"Your Tito Calix," she answered.

Saglit akong napahinto.

Tito Calix is really important to both of my parents, especially to Mom. He is her best friend but he passed away. At hindi lang iyon, if it weren't for him, I don't think I'd be here in this world... Even Kuya or the kambal... Even Mom.

Mommy was diagnosed of a heart decease way back. Tito Calix saved her life... Because of him, the surgery went through. Because of his heart, my Mom lived. Our family owed it all to him.

Tuwing binibisita namin si Ate Talia sa cemetery, binibisita rin namin si Tito Calix dahil magkalapit lang sila.

And of course, how could even forget him?  I was named after him. My Mom said that Tito Calix wants to name his daughter after him. My Mom fulfilled his wish as he fulfilled my Mom's wish to live. I would be forever grateful to him and it's an honor to be named after him.

"Pag nakikita ko kayo ni Jax, nakikita ko kami ng Tito Calix mo sa inyo... It reminds me of something good in the past," Mom added.

Lagi rin sa akin sinasabi na kamukha ko raw ang Mommy.

"Do you have a picture with Tito Calix? Can I see?" I asked because I got so curious.

Do we really looked like them before?

"Hahanap ako... You'll see!" Mom said and she was so excited.

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala si Jax na kasama ni Dad! Mamaya kung ano na ang nangyari sa dalawa! If anything happens to him inside our home, I'll kiss Sapphire Academy goodbye! I'll be expelled for sure! Takot ko lang kay Ms. Yrreverre!

Pagpasok ko sa gaming room ay nakita kong nagtatawanan si Jax at Daddy habang naglalaro. What's so funny in playing chess?!

Lumapit pa ako at nakitang hindi pala chess ang nilalaro nang dalawa, snake and ladders! My God!

"Dad, it's gabi na... Jax needs to go home."

Hindi naman malapit dito si Jax. Babyahe pa siya at gabi na, sobrang delikado kahit pa sabihing may bodyguards siya.

"Oh Jax, it's gabi na raw," Dad said and laughed.

"Ay! It's gabi na pala!" si Jax naman tapos ay tumawa rin.

Both of them are even mocking me! Ako pa ba ang anak dito?!

"You should go now, Jax. Come over again next time," Daddy said and stood up.

Tumayo na rin si Jax. "Yes, Tito. Thank you."

My eyes widened. T-Tito? Did I hear it right? Did he just call him Tito?!

Dad did not even react violently! Nakipagkamay pa siya kay Blaze Jaxith! What is happening here? Nawala lang ako saglit at mukhang malapit na sila. I should check the CCTV or something!

"Come again soon, Jax..." Ang Mommy iyon at nagpaalam na.

"Kuya Robert and Kuya Anton, paki sundan ang kotse nila Jax. Make sure he'll go home safe," bilin pa ng Daddy.

Tumango naman sina Manong at inihanda na ang SUV to trail his car.

Naiwan kaming dalawa ni Jax ngayon sa labas ng bahay. Pumasok na ang Mommy at Daddy sa loob at ang mga bodyguards naman ay naghahanda na rin.

"Thank you sa pagpunta..." I told him.

Jax smiled. "No, thank you. It's an honor to meet your parents. They are such good people."

Ngumiti rin ako sa kanya. I know, I am beyond lucky.

"Ganito pala 'yun, 'no? Ang sarap pala sa feeling pag kumpleto ang pamilya. Ang saya pala."

My heart swelled upon hearing Jax's words... Parang biglang piniga iyong puso ko nang marinig ang halong saya at lungkot sa boses niya. He is longing for it. He grew up without a father figure.

"Your Dad loves you, you know?"

I ran out of words to say. All I want is to comfort him. Mahal siya ng Dad niya. Wala naman atang parents na hindi love ang anak nila...

"Kung mahal niya ako, hindi siya aalis. Hindi niya kami iiwan ni Mommy para sa ibang babae."

I never knew how heavy it was for him, until now.

Napayuko ako. "I'm sorry."

"It's okay. Matagal naman na 'yon... Okay naman na rin kami ni Mommy. We're better off without him."

Alam kong sinasabi niya lang 'yan pero ang totoo, he misses him too. His Dad made a huge mistake, but he is still his Dad.

"Sige, Cal. Uuwi na ako. See you on Monday," Jax said and waved his hand.

Napatingin ako sa kanya. He's smiling, but the sadness in his eyes described one thing... He's broken.

It is often the biggest smile that's hiding the saddest heart.

Jax, my soft boy.

Hindi ko matanggap na uuwi siyang malungkot dahil sa huling napag-usapan namin. Hindi niya ako hinayaang malungkot dahil sa pag-iwan sa akin sa mall, hindi ko rin siya hahayaang malungkot ngayong araw.

I tip-toed to reach his face and planted a kiss on his cheeks. Dali-dali akong tumalikod pagkatapos.

"Take care!" sabi ko at mabilis na tumakbo sa loob ng bahay.

Nakakahiya iyong ginawa ko! I freaking kissed him on his cheek and we're just freaking friends! What the freaking hell?

Wala na kasi akong ibang maisip na gawin para pagaanin ang loob niya! Hindi ko nga alam kung tama ba ang ginawa ko! It's so embarrassing!

It's Monday already and I don't want to go back to school! I'm still nahihiya kay Jax! Ni hindi ko nga binubuksan ang phone ko dahil sa kahihiyan na baka mag-text siya about what I did!

Matagal bago ako bumaba sa car. Sinakto ko talaga sa time namin para pagpasok ko ay may class na agad. It means that wala nang time for kwentuhan!

I'm nervous going inside the Greenhouse. I took a deep breath before entering. I was even shaking when I put my thumb to the scanner for access.

Basta, patay malisya lang, Cali!

Everyone is there already and Prof. Somero is already doing an attendance. Thank God! Hindi ako tumitingin sa gawi ni Jax. Chill lang, Cali. Relax and focus on the discussion instead!

Tuwing nababakante ay kinakausap ko na lang si Gelo.

"Gelo, what's your ulam kahapon?" I asked. Wala na kasi akong masabi!

"Girl, kaloka, gutom ka ba?" Si Gelo iyon na para bang ang ridiculous ng tanong ko.

"What? Nagtatanong lang!" giit ko naman.

Mayroon kaming activity sa isang minor subject. Prof. Somero asked someone to get the graphing paper in the supplies room, para makaiwas ay ako na ang nagprisinta.

I got 7 sheets of graphing paper, 1 sheet for 1 Star Sapphire student. Inuulit ko ang bilang nang biglang may pumasok sa supplies room.

Umuwang ang bibig ko nang makita si Jax.

"I-Ito na... Sinu-sure ko lang ang bilang," I told him.

Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa papers at paulit-ulit na binilang iyon kahit na alam kong pito naman na ang nakuha ko.

"Iniiwasan mo ba ako, Cal?" Namamaos ang kanyang boses nang sabihin iyon.

"N-No!" agap ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

Oh my God. I feel suffocated in this small room with him!

"Ah..." he said and went near me. "Kung ganoon, pwede ko bang bawiin ang ninikaw mo sa akin?"

Kabado akong tumingin sa kanya.

"W-What?" I said and raised an eyebrow. "Anong ninakaw? I'm not stealing anything–

Napahinto ako nang siya ay yumuko at ang kanyang labi ay mabilis na dumampi sa aking pisngi.

"Ayan, nabawi ko na..." he said while looking at me straight in the eyes.

Napalunok ako at hindi mahanap ang kahit na anong salita. Sobrang lapit namin sa isa't-isa ngayon at para bang mahihimatay ako sa bilis ng pangyayari.

D-Did he just kiss me on the cheeks?!

"It really hurts, ang magmahal ng ganito. Kung sino pang pinili ko, hindi makuha ng buo," kumakanta si Theo nang pumasok siya sa supplies room.

Jax and I were both surprised upon seeing him! Nagulat din si Theo dahil sobrang lapit namin ni Jax sa isa't-isa!

"Ser! Ser! May nagmimilagro, Ser!" sigaw ni Theodore Galenn Monforte. Oh my God!

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenFull.Me