TruyenFull.Me

Sapphire Academy School Of Nobles

Please use the hashtag #SapphireAcademy if you're going to tweet about this story in able for me to read it.

Chapter 25

Suspect

You can be important to someone but not all the time.

Jax never came back. I don't know how he will finish the semester when he already missed two exams, but for sure the headmistress will give him options.

I'll never forget how he let go of my hand. It hurts. It hurts a lot... Paige needed him. That's the only thing I know before he left. Yeah, that same name again. Bakit ba ako napapaligiran ng mga Paige? Even Kuya's girlfriend!

When it was dinner time, nagtataka na ang Star Sapphire Class kung nasaan si Jax. Even I do not know...

"Guys, did you hear about the ambush happened this afternoon? Garnet Academy students daw, galing sa Fencing Class nila!" Xuri said.

Agad kong nabitawan ang basong hawak. The water splashed all over me and I couldn't care less.

"W-What?" I can't believe what I just heard.

"Are you sure about that, Xuri?!" Gelo said in panic.

"Ang Ate..." Theo said and he immediately ran.

Kuya mentioned it to me! He said that they will go out for a fencing class! Agad na umakyat ang kaba sa dibdib ko.

Tumayo na rin ako at ganoon din si Gelo. Tumakbo na kami pabalik sa mga kuwarto namin. I need to call Mom and Dad!

I tried several times to call them but both of their numbers were busy. Kuya's number was out of coverage area. Sobra akong nag-aalala. My heart is racing violently.

Lumabas ako at nasaktuhan na ganoon din si Gelo.

"Na-contact ko na si Kuya Andy! They're safe! Safe din ang Kuya mo at Ate ni Theo!" Gelo said. "Thank God!"

Sa sobrang tuwa ay napayakap ako sa kaibigan. Agad akong nakahinga ng maluwag pero ang takot para sa kapatid ay nanatili.

Gusto kong umuwi pero hindi naman pwede. We can only go home after the exams. I am so worried. I want to hear Kuya's voice at least.

Ngayon ang last day ng exams. Pangalawa akong natapos kaya naman papunta na ako ngayon sa The Pad para mag-impake. First sem was officially over.

I can't really focus and I don't even know if I did well with the exams. I hope I did.

I am worrying about my brother and at the same time, I can't stop thinking about Jax.

Hindi na talaga siya bumalik pa...

Gusto kong magalit, pero sa totoo lang ay wala naman siyang kasalanan. As I was thinking about it... He said that he don't want to transfer anymore, but he never said that he won't.

He never promised anything. It was all on me. Who hurt me? My own expectations.

Sometimes, we create our own heartbreaks through expectations.

I was stopped with my tracks when I saw Jax walked out of his room with his luggages. Sa gulat ay nalaglag ko ang mga librong hawak.

He immediately went to me and helped me with my books. I looked at him with pain in my eyes. Ngayong nandito siya at alam kong aalis din, parang nilukot-lukot bigla ang puso ko.

Inabot niya sa akin iyong mga libro ko at agad ko namang kinuha ang mga iyon.

His eyes were bloodshot. He looks so devastated and I can't even ask why.

"Aalis na ako..." Jax said and smiled a little.

Dahan-dahan akong tumango sa kanya. "Ah... Ingat ka," I said, trying so hard for my voice not to break.

It's really happening. And this is what I should've expected. Para sana hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon.

"Hindi mo ba ako pipigilan?"

Saglit akong natigil sa tanong niya at napatitig sa mga mata niyang nangungusap.

"Kung pipigilan ba kita, hindi ka na aalis?"

Napayuko siya at walang masabi. My eyes immediately watered. We both know the answer. I know it. He knows it.

He already chose. And he didn't choose me.

Tumikhim ako. "Sige na... Bye na. I need to pack my things pa." I was on the verge of tears, trying desperately to hide it and keep my words straight and stern.

Lumapit na ako sa pintuan ng kwarto ko.

"Calixta..." he called.

I stopped from opening my door. "Hmm?" tanong ko at hindi na humarap pa sa kanya.

"I'm so sorry," his voice was heavy with shame.

I took a deep breath. I can't cry in front of him. No, I won't.

"You have nothing to be sorry about... Good bye, Pereira."

Mabilis na akong pumasok sa kwarto at agad na isinara iyon. I can't hold onto my tears anymore. I cried and covered my mouth, so I wouldn't make a sound.

Do you ever see or hear something that hurts so much, you can actually feel your heart shatter?

I was completely heartbroken.

I know that it was over, and it never really began... But in my heart, it was so real.

Pinili rin naman ako, saglit nga lang.

It was Paige all along...

Nanikip na ang dibidib ko sa kakaiyak. I tried to drink some water to calm myself, but nothing happened.

Nahihirapan na akong huminga ngayon and I think I should go to the infirmary before I collapse.

Hinabol ko ang elevator dahil pasara na iyon. Grant was there with his luggages. Panay ang hinga ko ng malalim pero hindi nawawala ang sakit.

"What's happening to you?" Grant asked and he looked at me weirdly.

Umiling lamang ako.

I almost lost my balance when the elevator opened, kaya naman inalalayan agad ako ni Grant. Mas lalong nanlambot ang mga tuhod ko nang makita si Jax na nandoon pa at hindi pa umaalis.

He looked so worried when he saw me. Jax immediately ran to me and scooped me with both of his arms.

"Hold on, Cal! Please!"

Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi siya. Pero ang pananakip ng aking dibdib ay unti-unti nang nawala.

Why is it that when you are hurting the most, the person who is hurting you, is the only person who could comfort you?

I woke up in the infirmary bed. The nurse asked me a lot of questions. I told her I broke down and that I am having attacks like this even before. She advised me to rest and to visit my doctor.

I spent the weekend cleaning my closet because I have nothing else to do and I want to be busy. Hindi rin naman ako makapag-shopping dahil ayaw ko munang magpunta sa malls. Baka roon pa ako mag-break down kapag may maalala.

Gusto ko ring makausap si Kuya Kai pero hindi siya sumasagot sa mga tawag ko. Mom and Dad assured me that he's okay, but I still want to hear his voice.

Early on Monday, I want back to the academy. Lalabas na kasi ang exam results at makikita na rin namin ang ranking for next semester.

"Hindi ko pa rin matanggap na lilipat si Jax. Kung hindi pa natin siya nasalubong no'ng last day ng exams, hindi ko malalaman!" Gelo said.

Yumuko lang ako at kunwaring may hinahanap sa bag. I don't want to talk about it.

Hindi ko na siya nakita pa nang magising ako sa infirmary. Iniwan niya na talaga ako...

"Kaya nga! Sobrang biglaan... Buti pinayagan siya ng Mommy niya na lumipat sa Garnet Academy?"

Medyo nabigla ako sa sinabi ni Xuri dahil hindi ko alam na roon siya lilipat.

"Okay ka lang?" Theo asked in a softly manner.

Umupo siya sa tabi ko at umakbay sa akin.

I tried to smile. "I'm okay."

Inalog-alog pa ni Theo ang balikat ko. "Gusto mo kantahan kita?"

Inirapan ko siya. "No, thanks!"

"Eh, 'di wag!" aniya at umirap pa kaya naman natawa kaming pareho. "Pero Cali, kahit kaibigan ko si Jax, sa 'yo ako."

Ngumiti ako. Theo has always been the nicest. He's pasaway, but he's so nice.

Kinabahan ako nang dumating ang iilang faculty members bitbit ang ranking lists.

All of the students are waiting for this in about an hour now. Nandito lang kami sa lobby at nag-aantay ng results, ngayong nandito na, mas lalo lamang akong kinabahan.

"You may now check your rankings on the board. This will be effective next semester. Your report cards will be given in a while," anang Propesor.

Pagkaalis nila ay nagsilapitan na kami sa malaking board. My eyes quickly went on the Star Sapphire Class.

1. Gonzalez, Calixta
2. Saavedra, Grant
3. Andrade, Cathaline
4. Monforte, Theodore
5. Ocampo, Xuriella
6. Tan, Angelo
7. Saavedra, Chance

Nagtilian kami nina Xuri, Gelo, at Cat nang makitang magkakasama pa rin kami. Nakangiti lang si Theo, habang si Grant ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ko na naman alam kung ano ang hinanakit niya.

Halo-halo ang naramdaman ko. I'm happy because we're all here, but I can't help not to feel sad that Jax was not. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa dahil Top 1 na ulit ako.

"Class A ka na ulit, man!" Theo said and offered his hand to Chance. "Mas gusto talaga kita kesa sa pinsan mo!"

Oh! Yes, I saw his name on the list! He's Top 7!

Chance was originally part of Star Sapphire Class, but he got kicked out when Jax came.

I was about to greet Chance when a news flash on the projector caught my attention.

"The heir of F&G Hotel International Corporation, Kairon Gonzalez, is the suspect for the shooting of Santiago Holdings Incorporated heiress, Paige Santiago. He is now in custody."

I immediately lost my balance. Agad naman akong nasalo ng mga kaibigan. What's happening? I don't understand? What shooting? Why are they taking my brother? How is this possible?

Dali-dali na akong tumakbo palayo roon. I need to go home. Narinig ko pa ang iilang tawag sa pangalan ko pero hindi ko na iyon pinansin pa.

"Manong Robert, Manong Anton! We need to go! Kuya is in trouble!" I shouted while running to the car.

Mabilis ang pagpapatakbo sa kotse. Tinatawagan ko na sina Mommy at Daddy ngayon pero hindi sila sumasagot. Panay na ang iyak ko at hindi na ako mapakali.

My Kuya is now in custody? Why? He would never shoot anyone! He would never do anything like that!

My hands are shaking and I tried my best to calm myself.

Santiago Holdings Incorporated... Paige Santiago... I-Isn't that his girlfriend? Why would he shoot her? It doesn't make any sense! This is so stupid!

"Nana, what's happening?" I asked when I got home.

My parents are not here and I know that they are probably with Kuya already.

"Pinagbibintangan ang Kuya mo, hija. Pero 'wag kang mag-alala at nandoon na ang Mommy at Daddy mo. Hindi nila hahayaan si Kairon," Nana Medring said.

Umiyak lang ako ng umiyak sa kwarto habang nag-aantay ng tawag. Hawak ko iyong basahan na binigay ni Grant, it became very useful.

Nahihirapan na akong huminga dahil sa sobrang pag-iyak.

Bakit nila pinagbibintangan ang Kuya ko? What is their basis? I just couldn't put it all together how it went to this! And how it reached the media this fast!

Nakarinig ako nang katok sa pintuan ko kaya dali-dali akong lumabas sa pag-aakalang sina Dad na iyon.

"Hija, may bisita ka sa labas."

My racing heart calmed in a second. Parang napawi ang lahat ng nararamdaman. Iisang tao lang ang nasa isip ko... Si Jax.

Agad akong tumakbo sa labas at nagulat ako nang makitang si Grant iyon.

"W-What are you doing here, Grant?" I asked in confusion.

Hindi ko matandaan na may usapan kami o kahit ano pa man, kaya naman talagang naguluhan ako.

Grant handed me a brown envelope. "Your card," he shortly said.

Inabot ko na naman iyon at napatitig na lamang sa envelope. He went all the way here to give me this?

"T-Thank you... Nag-abala ka pa, sana iniwa–"

I was stopped when he suddenly put his hand over my head and slowly caressed my hair. Sa pagkabigla ay hindi na ako makapagsalita.

"Everything will be okay."

My tears started to pour down again. Hindi ko alam kung bakit mas naiyak pa ako roon sa sinabi ni Grant. Parang may kumurot sa puso ko.

I just feel more vulnerable when someone tries to comfort me.

"W-Wala akong basahan!" Grant said in panic.

He even checked his pockets just to get something to wipe my tears away but there's none. To end both of our problem, hinila ko ang coat niya para mapalapit siya sa akin. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya para roon sa shirt niya mapunas ang luha ko.

I cried on his chest.

"Ginawa mo naman akong basahan..." reklamo ni Grant.

If I could only see him, pakiramdam ko ay may irap pang kasama iyong sinabi niya.

"Can you be my basahan tonight?" I asked and cried harder.

Basang-basa na rin naman iyong shirt niya, why not make it sulit?

"I went all the way here... Of course, Naiam, you can," he said and his voice was softer than usual.

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenFull.Me